I love you Goodbye

Naglalakad sa kawalan habang pauwi galing sa eskuwelahan. Hindi na ako sumakay ng tricycle dahil ayoko pang umuwi, gusto ko lang maglakad lakad. Nakayuko, walang ibang iniisip kundi yung mga sinabi mo, na sa tuwing maiisip ko bawat salitang binigkas mo ay hindi ko maiwasang maluha. Mabuti na lang at ang masaya ang tugtog sa headset ko – Twerk it like Miley. Ang kaso patapos na ang kanta, hindi ko alam ang kasunod dahil nakashuffle ang mga kanta sa cellphone ko.

Nakayuko pa rin, mabagal, at kung minsan na may madaanang maliit na bato ay bahagya ko iyong sisipain. Tapos na ang kanta, katahimikan na naman at bahagya kong binagalan ang bawat hakbang habang hinihintay ang susunod na kanta.

Wish, I could be the one
The one who could give you love
The kind of a love you really need.

Bigla akong napatigil sa paglalakad, gusto kong kunin ang cellphone sa aking bulsa pero tila nagmanhanhid ang dalawang braso ko at hindi ko iyon maigalaw.

Ayoko ng kanta.

Ayoko.

Wish, I could say to you
That I’ll always stay with you
But baby, that’s not me

At bigla, mas naging malinaw ang mga pangyayari sa atin kagabi. Ganyan na ganyan ang sinabi mo sa akin kagabi lang. Naalala ko muli yung pagiging aligaga mo habang namamasyal tayo sa park, na para bang meron kang gustong gawin o sabihin pero hindi mo magawa o masabi. Kaya nga nung pauwi na tayo tinanong ko sa’yo kung bakit ka nagkakaganun.

Pero sana hindi ko na lang pala tinanong.

Dahil ang mga sumunod na sinabi mo ang siyang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

Bakit? Dahil ba yun sa pagiging demanding ko sa oras mo? Dahil ba yun sa pagiging selosa ko? O baka dahil sa madalas topakin ako? Lahat yan tinanong ko sa’yo pero wala kang naisagot. Kung sinabi mo na lang sana kung anong mali sakin eh ‘di sana kinontrol ko na ang sarili ko.

Kung sinabi mong masyado akong demanding sa oras mo, sige hahayaan kitang magkaroon ng mas mahabang oras sa mga barkada mo. Hindi kita palaging tatawagan kapag kasama mo sila. Kung sinabi mo na masyado akong selosa, sige hindi ko na pakikialaman ang facebook mo para malaman lang kung may ibang babae kang ka-chat maliban sa nanay at mga ate mo. Kung sinabi mong topakin ako, sige pipilitin kong hindi sumpungin lalo na sa tuwing meron ako, pipilitin kong hindi mairita para sa’yo.

Can’t find someone
Who’ll be the one that I could never be
And give you something better
Than the love you find with me

Pero kahit isa man lang hindi mo sinabi. Bigla mo na lang sinabi na makakahanap ako ng mas deserving na tao kesa sa’yo. Tinawag pa kita nun habang unti-unti kang naglalakad palayo pero wala.

Hindi ka man lang lumingon o kahit huminto man lang.

Nagpa-load pa ako kagabi para lang matawagan ka pero cannot be reach ka na. Sinubukan kong mag-facebook pero hindi kita makita dun. Malamang na-block mo na ko. Sinubukan ko pang i-log in yung account mo pero nagpalit ka na rin pala ng password. Maging mga kaibigan mo hindi nagrereply sa mga messages ko.

Buong gabi akong umiiyak habang sinusubukan kong gawin ang lahat para ma-contact ka pero wala. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pag-iyak kaya pagising ko namamaga na ang mga mata ko.

Oh, I could say that I’ll be all you need
But that would be a lie
I know I’ll only hurt you, I know I’ll only make you cry
I’m not the one you’re needing, I love you goodbye

At kaya pala hindi ka makasagot nung tinanong kita kagabi kung anong mali sa akin dahil wala naman pala talagang mali sa akin.

Kasi alam mo kung bakit?

Kanina lang pinuntahan kita sa klase mo, alam kong tapos na ang klase mo dahil kabisado ko ang schedule mo kahit pa nung una tutol ako sa pinili mong mga schedule dahil hindi tayo magiging magkaklase.

Alam mo kung ano yung nakita ko?

Nakita ko lang naman kayo. Ang sweet sweet pa ng lambingan niyo tapos yung mga kamay ninyo parang nilagyan ng glue dahil hindi niyo mapaghiwalay.

It is the hardest thing to do when you love someone
As much as I love you, oh, I don’t wanna leave you
Baby, it tears me up inside but I’ll never be the one you will need
You’re needing, I love you goodbye

Dahan-dahan akong napaupo dahil parang mawawalan ako ng balanse. Wala akong pakialam kung may ibang nakakakita sa akin ngayon pero gusto kong maupo. Itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha.

Patapos na ang kanta, pero hindi ang luha kong nagsisimula pa lang umagos.

Apat na taon?

Apat na taon tayong naging magkarelasyon tapos ganun na lang yun? Kinumbinsi ko pa dati yung nanay ko na dito rin mag-aral para magkasama tayo. Lahat naman ginawa ko, pinakisamahan ko lahat ng taong nakapaligid sa’yo, ultimo yung alaga mong aso pinakisamahan ko kahit na hikain ako.

Apat na taon?

Tapos tinapos mo ng ganun lang?

Ganun ba ako kasamang tao para lang ipagpalit mo?

Pangit ba ako?

Mataba?

Ewan ko, kahit anong pilit kong hanapin ang dahilan hindi ko mahanap.

Pero dapat ba kitang isuko na lang? Dapat ko bang isuko yung apat na taon natin?

“Magagabi na baka mahamugan ka” narinig kong sabi sa akin ng isang lalaking hindi naman pamilyar sa akin. Bahagya kong inangat ang ulo ko para magkaroon ng siwang at makita kung sino ang nagsalita.  Hindi ko siya masyadong maaninag dahil natatakpan ng luha ang aking paningin pero kita ko na may inaabot siya sa akin, isang panyo.

Kinuha ko ang panyo at saka pinunasan ang luha ko, suminga na rin ako dahil baradong barado na ang ilong ko sa sipon. Nang ibabalik ko na kanya ay malayo na siya kaya hindi ko na hinabol pa. Sayang, kung nakilala ko lang siya, pero nag-iwan naman ng initials ang panyo niya.

-J.P.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s