Jeepney

(This short story was first published on my previous blog.)

Sumakay ako sa jeepneyIkaw ang nakatabi

Di makapaniwala
Naririnig kong tugtog habang papasok ako sa loob ng jeep. Umupo ako sa kanang bahagi, sa bandang harapan. Halos kasunod ko lang ang babaeng kapansin-pansin ang kagandahan. Hindi siya katangkaran, pero masasabi kong maganda talaga siya, lagpas balikat ang nakalugay niyang buhok na sa tuwing nasisinagan ay nagiging parang kulay pula.
Pero di tulad ng kanta ni Yeng, hindi siya nakaupo sa tabi ko. Nakaupo siya sa opposite side ko sa likod mismo ng driver.
Parang may hiwagang nadama

Nung tumama sayo ang akin mga mata
Sparks! Ang baduy pero ewan ko ba, parang may kung anong sumabog sa puso ko kahit parang milliseconds lang yung naging titigan ng mga mata namin. Ito na ba yung sinasabi ng mga tropa ko na true love? Pero bakit dito pa? Sa loob ng jeep?
At nagsiksikan na

Dahil tumigil ang jeepney sa tapat ng eskwela

Biglang nagkadikit

Puso ko’y biglang sumikip

At natulala
Oo nagsiksikan na pero hindi tulad ng sa kanta na tumigil ang jeep, kanina pa kasi ‘to nakahinto, mula pa nung sumakay ako kanina lang,mukhang gusto kasi ng driver na mapuno ang loob ng jeep niya, kaya tuloy yung lalaking nagtatawag hindi magkamayaw sa pagsigaw ng “Lima pa! Lima pa!”
Hindi rin tayo nagkadikit dahil magkatapatan tayo ng kaunti pero biglang sumikip ang puso ko dahil hindi na ako makahinga. Ikaw ba naman ang maipit sa pagitan ng dalawang sobrang tabang babae. Oo literal na sumikip ang dibdib ko dahil talagang pilit nilang pinagkakasya ang mga sarili nila.
“Isa pa! Isa!” naku nagtatawag ka pa rin boy!
“Wala naman na e,” sabi ng isang babaeng sasakay sana pero nakitang wala ng espasyo.
“Sampuan ‘yan, siyam pa lang e.” Tapos muli kaming binilang ng nagtatawag.
“Okey na ‘yan boy!” sigaw ng driver, sa laki ba naman ng dalawang katabi ko e talagang magiging siyaman na lang yung jeep na ‘to. Baka nga waluhan na lang dahil kalahati ng lang ng puwet ko ang nakaupo.
Nag-abot ang driver sa nagtatawag ng barya, initsa-itsa pa niya ang barya. “Kuya dapat doble ang bayad niyang dalawang balyena na ‘yan,” kantyaw ng nagtatawag.
“Aba bastos ka ah!” pasigaw na komento ng nasa kaliwa ko.
Yupi na nga ang katawan ko, basag pa ang kaliwang eardrum ko sa pagsigaw ni ate.
“Paabot ng bayad”

Kamay mo na pala ang nakaabang

Pambihira di’ba?

Swerte ko naman
Ito na yung parteng nagbabayad na lahat. Nagmistula akong alalay ng driver dahil halos lahat ng bayad ay ako ang nag-aabot, pero ‘di tulad na naman sa kanta, hindi niya kamay ang nag-aabot sa akin dahil ang mga kamay niya ay abala sa pagpindot sa cellphone. Paminsan-minsan bibitawan niya pero sa kalsada siya tumitingin.
“Sana tumingin ka naman uli sakin,” bulong ko sa sarili ko.
Gusto kong dukutin ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko pero nahihirapan akong iharap iyon dahil sa dalawang umiipit sa akin. Para tuloy akong si Bernardo Carpio na naipit sa dalawang malalaking bato.
Sinubukan kong iikot ang bag ko, para kahit sa picture man lang may souvenir ako. Pero bigo ako, unang subok, pangalawang subok, pangatlong subok. Nagmukha tuloy akong tanga, pero dahil sa ginawa kong iyon ay napansin niya ako.
Nagkatitigan kami, pero ‘di gaya nung nauna na milliseconds lang, ito umabot na ng segundo. Mga dalawang segundo rin siguro iyon bago siya napatawa ng bahagya. Nakita ko tuloy ang biloy niya sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. Imbis na mainsulto ako sa ginawa niya dahil alam ko naman kung bakit siya natawa e mas nangingibabaw ang saya at mas lalong sumabog ang puso ko dahil nakita ko ang mga ngiti niya, at mas lalo siyang gumanda para sa akin.
Drive lang po ng drive
‘wag niyong hihinto
Kahit saan man mapadpad
Kahit lumipad man tayo
Minsan lang madama ang ganito

Minsan ko lang talaga naramdaman ito. Mali, ngayon ko lang naramdaman ‘tong pakiramdam na ‘to at gusto ko itong maramdaman lagi, na para kang lumilipad dahil sa saya. Manong sana bagalan mo pa ang pagmamaneho. Sana traffic. Sana ano. Sana, sana forever na lang kami dito.
Okey lang kahit forever akong mala-Bernardo Carpio dahil sa pagka-ipit ko dito sa pagitan ng dalawang matatabang ito,okey lang kung forever traffic, basta ba forever ko ding makikita ang biloy niya sa pisngi at ang mga ngiti niya.
Kaso…
Pero bigla mong hinila yung tali

Sabi mo, “manong baba ako sandali”
Wala namang tali gaya ng sa kanta. Hindi ka nga din nagsalita ng para pero ako naman ang nagsabing “Sa tabi lang po.”
At huminto ang jeep. Humina ang boses ni Yeng sa pagkanta niya ng chorus.
Tapos na.
Hindi yung kanta, pero yung pagsakay ko sa jeep. Tapos na ang paghihirap ko sa pagka-ipit ko sa jeep, tapos na ang pagiging Bernardo Carpio ko pero kasabay nun ay ang pagtatapos ng storya naming dalawa. Storyang ako lang naman ang bumuo dahil kanina pa siya abala sa pakikinig sa kung ano mang tugtog ang meron sa headset niya.
Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko at lumilikha ito ng malakas na kalabog sa sahig na bakal ng jeep. Tinatabunan ang mahinang boses ni Yeng. At bago pa man kantahin ang huling linya ay nakababa na ako ng tuluyan ng jeep. Pero ‘di ko inaasahan na may kasama pala akong bumaba.
Pigil na naman ang tawa niya ng magkatinginan kami uli sa ikatlong pagkakataon, sabay lakad papuntang terminal ng tricycle.
Sa isip ko, hindi sa jeepney magsisimula ang lovestory natin…..
..kundi sa tricycle.

——-
Don’t forget to write a comment below.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s